Isang makasaysayang lahi ng mga sinaunang taong Anatoliano na
nagsasalita ng Wikang Hitita. Nagtayo sila ng kahariang tinawag na Kahariang
Hitita. Tinawag din silang Imperyong Hitita noong ika-14
na siglo BCE, nang masakop nila ang buong Anatolia, hilagang-kanluran ng Siria hanggang sa Ilog Litani at sa Hilaga ng Mesopotamya. Isa itong
imperyong nasa kinalalagyan ng pangkasalukuyang gitnang Turkiya, at nagtagal ng
may 700 mga taon, mula mga 1900 BK
magpahanggang 1200 BK. Sa kasalukuyan
nasa Museo ng mga Kabihasnan sa Anatolia na matatagpuan sa Ankara, Turkiya ang
mga artipakto ng mga Hitita at Anatoliano.Anatolia tinatawag itong Asya Menor sa Turkey,Naging probinsiya rin ito ng
Imperyo Romano at Silangang Imperyo Romano noong Gitnang Panahon at Nakuha
ito ng mga Persia noong 530 B.C.E.
At sa kasaysayan,kinilala ang mga Hittites
bilang kauna-unahang mga taong nag tunaw ng bakal at naka buo ng isang
sandata.Ang kaalamang ito ay itinuturing na pinaka mahalagang kontribusyon nila
sa ng mundo.Superior na mga sandata ang kanilang nagawa mula sa
bakal nanaging dahilan ng mabilis nilang pananakop
sa ibang mga lupain.Nakatulong nang malaki sa kanilang pag-unlad ang kanilang
sistema ng pagbabatas. Hindi ito kasing-lupit ng mga batas ni Hammurabi subalit
naging maayos ang pagpapatakbo ng imperyo na nagbigay-daan sa pag-unlad ngkalakalan nito. At umunlad ang lipunang Hittite dahil
sa pagtuklas ng bakal dahil pa paghahanap sa higit pang matigas na metal para
gawing armas. Isa sa kanilang kultura ay ang Pagtuklas at paggamit ng
bakal, ang kanilang pagkakakilanlan ay ang may sistemang pagbabatas at
pinakamabigat na parusa ang ipinapataw sa mga rebelyon. Binigyang diin ang
pagbabayad pinsala kaysa pagpaparusa o paghihiganti. Binibigyang-diin nila
ang pagbibigay ng bayad-pinsala kaysa parusang pisikal. At
si Haring Mursilis I ay nakipagdigmaan sa
Souther Halab(Syria). At siya ay napatay noong 1590 B.C at ipinapatuloy ni
Labarma II (Hattusili). Si Haring Suppiluima II ang huling hari ng
hittites.
-Salamat-